-
Aug 8, 2011
Hmm? Matagal tagal din ako hindi nakapagsulat dito. Nun mga nakaraaang linggo at araw. Sobrang effort na ako sa kakahintay. Magpaparamdam siya tapos mawawala ulit. Nun friday nag-text siya sa kin. Nag-sorry na siya, at sabi niya susubukan na namin ulit. Nun sabado naman sabi gagawin na ulit namin at kahapon nawala na naman. Umuwi nga pala mga un asawa ng pinsan niya at tito niya. Nagtext kanina umaga na busy daw siya kahapon pero I’m sure connected un kay uncle. Tinapos ko na rin un pretention bilang dana tierra kay uncle. Hmmm? Tapos buong maghapon wala siya. Nagtext siya sa kin na hindi muna daw ngayon kasi stressed out daw siya, pero i believe na gagawa si God ng way para matuloy kami. Nalilito ako kasi sabi ni uncle for the past week si tocino na daw at si toots. Ouch! Pero kapag nakikita ko naman un post ni tocino para naman wala at hindi un nakakatiis. Un tingin ko na binalikan ay si who-ever-that-person-is or friend f… Kasi stressed out daw ngayon tapos un post ni friend f ay broken hearted. Ang gulo. So tama nga ako dati pa? Kaa ganun mga pinagsasabi niya sa kin dati? Pero baka naman dahil lumipat na sila sa eastwood. Sana maging maayos na ang lahat sa amin. :/
-
Hmmmmmmmmmm?
Lately nagtetext na hindi. Well ayoko na nga i-update to kasi naiinis lang ako. Umoo siya na i-try daw namin tapos nawla siya. Alam mo ba nag-doubt ako kagabi na nanood siya ng Harry Potter 7.. Kasi sabay siya nagtext at nagmessage ni uncle. Tapos kanina, I have to kill Dana Tierra kasi mukhang mabubuko na ako. Kinausap ko pa si kuya love to save my arse na huwag na lang magsalita. Hmmmmm? Ano kaya mangyayari? Bakit kaya nawala na naman siya ngayon gabi tapos sabi ni Peps hindi daw niya nakausap? Nalilito ako. Wala na ako doubts pero gumagawa na naman sila ng kung anu-ano. Sana bukas ng umaga magparamdam naman siya. :(
-
:(
Nagtext siya kahapon pero nawala ulit. nainis na ako. hindi ko maintindihan kung ano husto niya. sana maayos na lahat.
-
July na pala!
Nagreply siya simula pa nun wednesday, pero malamig pa sa yelo un text. Tapos ngayon araw nawala na ulit, kagabi pa un last text. Sabi niya kay uncle nagtext na daw siya, isang text? ano un masabi lang na nagtext? gaguhan di ba?
-
June 22-25?
Ayon kahapon, akala ko tapos na. pero ano ba un nag-sorry siya sa lahat daw ng lie pero no pa din daw un sagot niya? Pwede ba un? Ang gulo di ba? Kung ok na kami, bakit may part ways pa? hindi naman pwedeng ganun ehh! Nakakainis! May iba na ba? Sana hindi siya makakita. Hindi siya magiging ganap na masaya na wala ako. Sinusumpa ko na hanggang kamatayan kaming dalawa lang. Walang iba! Hindi niya ako pwedeng iwan ng ganun na lang. Hindi pwede! :(
-
june 21
Nothing new. Still no text or any news from him. I miss him! I want him back. Just making myself more busy! :(
-
June 19-20
Wala siyang text, pero umaasa pa din ako syempre na maayos kami. I just have to wait na dinggin ako ni God. Kahapon I went to my cousin’s place. I got drunk! Thank God! Nakauwi ako. Nakakahiya! Miss you, toots!
-
june 18
wala pa din siyang text. sigh!
-
June 17
Wala siya. Hindi na niya ako tinext. Wala na siya. Nag-message na ko sa kanya. Medyo may nasabi ako kasi sa kanya kaninang umaga sa text. Hihintayin ko pa din un araw na un. Sana maging ok na. Sana sumagot na siya. :(
-
June 16
Nasabi niya na ayaw na niya ng drama. Nagdadaldal ako sa kanya. Tapos nun gabi nagtext naman. Akala ko ok na lahat kagabi kasi nagtetext na siya tapos biglang babanatan ako ng tulugan na! hindi ba pwedeng goodnight?